Noong bata pa ako, ang tanging alam ko sa kahulugan ng pag ibig ay mga kahulugang natutunan ko sa aking Nanay at sa pagibig kay Kristo. Simple. Payak. Masaya.  

While growing up, I was surrounded by love na alam ko. Hindi man kami ganun ka showy sa pamilya namin pero nararamdaman ko ung pagibig na alam ko.

Tapos nadiskubre ko na ang salitang “crush” Grade 5 o 6. At dito na nagsimulang makulayan ang salitang “masaya”. Kalakip pala nito ang kilig, hindi mapakali kapag hindi makita sa isang araw, na gusto mo na lang umuwi kahit kakasimula lang ng araw para pasukan na ulit bukas at makita mo na siya.

At ng nag teenager na mas lumawak na ang alam ko sa pag ibig. Sa mga titig ng crush ko na napunta sa panliligaw. Sino ba makakalimot sa unang hawak sa kamay ng taong gusto mo. Na totoo pala ang sinasabi nilang “kuryente” na dadaloy sa katawan mo. Wala pa akong alam sa chemical reaction or chemistry na yan. Basta ang alam ko, kinikilig ako. Heto na yata ang pinaka masayang yugto ng buhay ko, sa pagkakaalam ko. At hindi rin gaanong ka kumplikado kung hindi ka crush ng crush mo, dahil ayos lang sayo na crush mo siya from afar.

Nagkaroon na ng ibang kahulugan ang salitang “I love you” simula ng magkaroon ng love life, na dati rati sa magulang ko lang madalas nababanggit. Dito ko na naintindihan ang konteksto ng give and take, ang mga simpleng responsibilidad sa isang tao. Madalas din hindi ko maunawaan bakit nasasaktan sa mga simpleng away, na umabot sa halos araw araw. Masyadong malabo para sa akin ang mga bagay bagay kung bakit mabilis matapos. Natatandaan ko pa ang unang iyak ko dahil nasaktan ko ang isang tao.

Hanggang sa umabot ako sa pagkakataong naunawaan ko ang mga salitang commitment, pag sasakripisyo at pagiging selfless. Ilang taon din ito. Mas malalim na sa kilig ang pag unawa ko sa pag ibig. Kasama na mga pamilya, pangarap, mga simpleng makakapag pangiti sa taong kasama mo. Masarap sa pakiramdam na may isang taong tanggap ang buong pagkatao mo at masasandalan mo sa lahat ng pagsubok. Dito ko rin natutunan maging malakas para sa amin pero may room for weakness kasi hindi naman sa lahat ng oras matapang ka. Kasabay nito ang “adulting” na alam natin gaano kahirap.

Ngunit kung paano ko naunawaan ang lahat ng magaganda sa pag ibig, dito ko rin nakilala ang mga salitang sakit, luha at kalungkutan. Alam ko na hindi dapat mahirap ang pag ibig. Pero kaya lang naman may sakit ito kasi nagmamahal tayo.

Ito na ang nagpabago sa akin sa pag unawa sa pagibig.

At sa paghilom ko dito ko mas nakilala ang sarili ko at natutunan ko ang self love at self worth na paminsan minsan natitibag ang paniniwala ko dito.

Sa pakikisalamuha ko sa mga tao na may iba’t ibang edad, mas naiintindihan ko lalo ang pagibig na meron sa mundo. It just doesn’t focus on the love na shared by two individual or the one na nakikita natin sa mga fairytale movies. It’s bigger than that. Minsan pa naliligaw tayo sa mga bagay bagay na akala natin pagibig na nakalaan para satin.

Pero bakit nga ba marami ang nababaliw dito? Siguro dahil sa pag-asa. Na kahit anong sakit at komplikasyon meron ang pagibig, umaasa tayo na somewhere out there there is love - Unconditional love. And that’s the beauty of life, na habang may buhay may pag-asa.

 

1 comment: